Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanggal face shield sa ‘Pinas inawat ng WHO

0 52

Pinayuhan ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas na huwag munang ali­sin ang mandatory face shield policy dahil sa pagsirit ng coronavirus case.

Sa panayam sa ‘The Source’, ipinunto ni WHO representative Rabindra Abeyasinghe ang pani­bagong record-high na 22,415 bagong kaso sa bansa noong Lunes.

Ito rin aniya ang ikaapat na sunod na araw na mahigit 20,000 bagong COVID-19 case ang naitala.

“So, we shouldn’t change that position now when the country is ex­periencing the highest number of cases.” (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.