Abante Tonite Interactive

Tanggal-malas sa opener: Ibaka, Raptors bumira

By
2,264

Nagsumite si Serge Ibaka ng 23 points at 12 rebounds, iginuhit ni Delon Wright ang 11 sa kanyang 18 points sa fourth quarter, at kinalsuhan ng Toronto ang 10-game losing streak sa playoff openers nang ibaon ang Washington 114-106 nitong Sabado.

“It’s out of the way now,” ani DeMar DeRozan patungkol sa skid. “Worry about Game 2.”

Umayuda si DeRozan ng 17 points, may tig-12 sina CJ Miles at OG Anunoby sa Raptors, huling nanalo sa opening game ng playoff series sa second round kontra Philadelphia noong 2001.

Ipinasok ng Toronto ang 16 sa 30 3-point attempts, team record sa postseason.

“We let a few of their guys that just can flat-out shoot, shoot a lot of 3s,” puna ni Wizards coach Scott Brooks.
May apat si Miles mula long range, tigatlo sina Ibaka at Wright.

Host pa rin ang No. 1 sa East na Raptors sa Game 2 sa Martes.

May 23 points at 15 assists si John Wall sa Washington, nagdagdag si Markieff Morris ng 22 points at 11 rebounds, may 19 pa si Bradley Beal.

Lamang pa ang Wizards 59-55 sa break, binawi ng Raptors ang lead sa 11-2 blitz na nagpasimula sa third. (VE)