Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanggal VAT sa kuryente hinihimay

0 69

Pinag-aaralan ng kampo ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na alisin ang Value-Added Tax (VAT) na ipinapataw sa kuryente upang maibaba ang presyo nito.

“That’s one of the things we are looking at. Meron talagang puwedeng ano eh (bawasan) even on the spot market, in the transmission charge there are areas na pwede pa nating ibaba eh,” sabi ni Marcos.

Nakipag-usap na rin umano si Marcos sa ilang power producer at nagpahayag naman ng kahandaan ang mga ito.

“Willing naman sila, naintindihan naman nila that this is an emergency situation,” ani Marcos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi rin ni Marcos ang pangangailangan na repasuhin ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA at amyendahan ang mga probisyon nito upang mabawasan ang pasanin ng mga konsyumer.

“We have to be very strict in enforcing EPIRA but beyond that we also have to look at possible amendments to EPIRA dahil medyo na-outdated na yung ibang provisions because nabago na yung sistema,” dagdag pa ni Marcos.

Ipinasa ang EPIRA sa termino ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.(Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.