Abante Tonite Interactive

Tanglawan Festival makulay

209

Kinulayan ng Tanglawan Festival ang basement ng SM San Jose Del Monte, sa pamamagitan ng makukulay na obrang gawa ng mga magagaling na artist. Ipinagdiwang ang ika-apat na Tanglawan Festival at 19th Cityhood Anniversary sa San Jose Del Monte, Bulacan kamakailan.

Isang art gallery sa Basement 2 ng SM-SJDM ang binuksan para sa publiko. Pinaunlakan naman ang ribbon cutting ceremony nina Mayor Arthur Robes, Congresswoman Florida ‘Rida’ Robes, SM Regional Manager for Operations Ms. Lea D. Sta Ana, SM Mall Manager Mr. Jose Mari Emmanuel Correa at SM Senior AVP for Operations na si Ms Johanna Melissa Rupisan.

Ito na ang ikalawang pagkakataon ng aktibong partisipasyon ng SM San Jose Del Monte para sa taunang pagdiriwang ng makulay na kapistahan.

Ayon sa butihing alkalde, layunin ng kapistahan ang maipakita at mapaunlad ang husay ng mga kabataan sa larangan ng sining. Aniya, “At itong sining at kulturang proyekto ng ating Tourism ay alam kong makakatulong sa ating mga anak, mga kababayan na napakagagaling ang kanilang mga kamay. Isang obra na hindi natin puwedeng tawaran, isang obra na naniniwala ako, this will be part of the ‘Rising City’.”

Bukod pa dito, isang magandang balita ang ibinahagi niya, “Itong mga batang artist natin ‘no. Ito rin ‘yung magbibigay ng bagong kinabukasan sa ating bayan ‘no. Siguro by next year, itatayo na namin ‘yung ating culture and arts building for the city. Para unti-unti na talaga natin ‘yung mga kabataan natin na mahilig sa sining, ay unti-unti na nating matulungan.” (Ronaline Avecilla)