Abante Tonite Interactive

Taning sa pagsasampa ng kaso

By
2,541

Dear Atty. Claire,

Good pm, Atty. Claire, ask ko lang po kung may taning ang pagsampa ng reklamong..oral defamation at physical injury ..(2012 yata ito nangyari) kasi tuwing mag aaway kami ng  ina ng anal ko ay palagi niyang panakot ay iyong  screen shot ng twitter ko na sinasabi niya na siya daw ang pinapatamaan ko ng paninira pero walang name ang nakalagay sa twitter ko.  patama sa kanya .

At yung pag kaka sampal ko sa kanya sa isang bar (kasi naman andun kami at  magkakasama pero sukat ba naman itext nga yun ex BF nya at papuntahin sa isanf bar sa Timog. At doon ay pinakita na hindi lang ako ang lalaki sa mundo. Sino ba naman ang hindi mapupundi.. August 9 2009 naman po ito nangyari.Makakapag sama pa ba siya ng reklamo kung sakali? salamat po sa reply kung mababasa ninyo po ito.

Abante Hiring – IT dep

Conrad

 

Conrad,

Ayon sa kwento mo ay  malamang na nais mong iparating kung kaya ka ba niyang kasuhan ng ka Libel under Cyber Crime Law? Ayon sa: SEC. 6. All crimes defined and penalized by the Revised Penal Code, as amended, and special laws, if committed by, through and with the use of information and communications technologies shall be covered by the relevant provisions of this Act: Provided, That the penalty to be imposed shall be one (1) degree higher than that provided for by the Revised Penal Code, as amended, and special laws, as the case may be.

Ayon sa ating Revised Penal Code, ang libel ay may  penalty na prision correccional in its minimum ( pagkakakulong na 6 months and 1 day) and medium periods (pagkakakulong na 2 years, 4 months and 1 day to 4 years and 2 months). Ayon sa   Cyber Crime Prevention Act, ang penalty for online libel ay sinasabing 4 years and 2 months to 8 years.

Ayon  din sa Revised Penal Code na ang karapatan sa pagsampa ng  Libel ay 1 taon lamang. Kaya kung 2012 pa nangyari ay hindi na siya  maaari pa siyang magreklamo.

Pero ang karapatang magsampa ng slander by deed ay 6 na buwan lamang.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com