Abante Tonite Interactive

Tankers naubusan

By
5

Kinapos si Fil-Am James Deiparine sa gold, at bokya na naman sa first-place finish ang Pilipinas sa swimming competition sa Southeast Asian Games.

Humaba sa walong taon ang pagkabokya ng Filipino tankers sa SEAG gold, pang-silver lang ang 28.60 seconds ni Dei­parine sa 28.25 ni Indra Gunawan ng Indonesia sa men’s 50-meter breast stroke final.

Laglag ang tuka ng Washington State native na si Deiparine, 24, pag-ahon sa pool at hindi nagpa-interview. Pangalawang silver niya ito, nag-second din sa men’s 100-m back noong Biyernes. Siya pa rin naman ang best performing swimmer sa meet.

Bokya si Jasmine Alkhaldi sa anumang kulay ng medalya sa women’s 200 free at 50 free.

Hindi na siya sumalang sa 100 butterfly final dahil nag-focus sa freestyle events.

Fourth lang ang national men’s water polo team (1-3 win-loss record) sa five-nation tournament. Washed out din ang PHL synchronized swimmers sa lahat ng sinalihang events.