Abante Tonite Interactive

Tankoua, Beda umulit sa Arellano

128

Mga laro sa Martes: (FilOil Flying V Centre, San Juan)

12:00 p.m. – SSC vs UPHSD

2:00 p.m. – CSB vs MU

4:00 p.m. – JRU vs AU

Pinaglaruan ni Donald Tankoua ang double-double job – 20 points 9 rebounds – at binalikat ang defending champion San Beda Red Lions sa pagsakmal sa Arellano Chiefs, 73-67, sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament 2nd round elims Biyernes nang gabi sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Pinagdiinan ng SBU na ‘di tsamba ang 59-46 victory sa AU sa 1st round nitong Hulyo 7 para sementuhan ang solo lead sa imakuladang 11-0 marka, at pinadausdos ang biktima sa ikatlong deretsong taob tungo sa pagkatengga sa ninth slot sa 2-9.

Saludo si Teodorico ‘Boyet’ Fernandez III sa kanyang basketbolista.

“Hopefully Donald will continue to play super basketball even though he’s been taking a back seat from his teammates,” anang Beda coach. “I appreciate Donald’s patience, getting the ball most of the time. Again, if we give him the ball – he scores.”

Nakadikit pa ang Legarda-based squad sa mga basketbolista ng San Miguel sa 59-60 tapos ng 10-2 run sa huling 5 minuto ng final quarter. Pero ‘di naman pumayag si Cameroonian Tankoua na rumagasa ng 8 straight points sa natitirang bakbakan para selyuhan ang panalo.

Nawalang halaga lang ang kinayod ni Justin Arana para sa Chiefs na 23 pts. at 15 rebs.

Ang iskor:

San Beda 73 –Tankoua 20, Doliguez 12, Kwekuteye 11, Nelle 8, Oftana 8, Soberano 6, Bahio 3, Cuntapay 3, Carino 2, Abuda 0, Etrata 0, Alfaro 0, Noah 0.

Arellano 66 – Arana 23, Sablan 11, Talampas 10, Salado 10, Bayla 5, Oliva 4, Alcoriza 4, Concepcion 0, Gayosa 0, Espiritu 0, Dde Guzman 0, Sunga 0. (Aivan Denzel Episcope)

14 NCAA caption:

Buo ang loob na binasag ni Paolo Hernandez ng Mapua Cardinals ang double team defense nina Joe Ambohot at Larry Muyang ng Letran Knights sa kanilang 95th NCAA men’s basketball tournament 2019 2nd round elims Biyernes ng hapon sa FilOil Flying V Center, San Juan. Rumesbak ang MU sa CSJL, 105-101. (Ben Maniclang)