Abante Tonite Interactive

Tankoua bida ng ACCEL-NCAAPC POW

By
5

Tinanghal si Came­roonian Donald Tank­o­ua bilang ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week matapos bitbitin ang San Beda sa dalawang sunod na panalo at isalo sa Mapua sa top spot ng Season 92 NCAA standings.

“For me he is the best import. Big part of this is because of him. His rebounds and hustle,” patungkol ni San Beda rookie transferee Robert Bolick sa kanyang teammate na si Tankoua.

Pinupunan ni Tankoua ang iniwang mala­king res­ponsibilidad ni Ola Adeogun na kumpleto na ang playing eligibility, kumakayod para sa Red Lions upang maibalik ang koronang inagaw sa kanila ng Letran nakaraang taon.

Sa panalo ng San Beda sa Emilio Aguinaldo College, 91-76 noong Martes, tumikada si Tankoua ng 17 rebounds pero mas maganda ang ipinakita nito laban sa College of Saint Benilde.

Nangalabaw ng double-double si 6-foot-5 Tankoua na 17 points at 14 rebounds para kaldagin ang Blazers, 90-63.
Sa dalawang laro ni Tankoua, nag average ito ng 10.5 points, 15.5 rebounds at 1.5 blocks per game.

Inungusan ni Tankoua sina Rey Nambatac ng Letran, CJ Isit ng Mapua at Fil-Am teammate Davon Potts sa weekly plum.