Abante Tonite Interactive

Tankoua, Red Lions sinakmal ang Chiefs

279

Mga laro bukas:
(Filoil Flying V Centre, San Juan)
12 nn. – EAC vs CSB
2 p.m. – MU vs UPH
4 p.m. – SSC-R vs JRU

Sa bangis nina Donald Tankoua at James Canlas, nagpakilala agad ang defending champion San Beda University sa sambulat Linggo ng gabi ng 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament.

Kinalos ng Red Lions ang host Arellano University, 59-46, sa Mall of Asia Arena, Pasay City sa mabagsik na opensa sina Tankoua at Canlas para akbayan ng Mendiola-based squad ang last year’s runner-up Lyceum of the Philippines University na tinalbos ang Colegio de San Juanm de Letran Letran sa unang laro, 84-80.

Kumana si Tankoua ng 13 points at 12 rebounds habang nag-ambag si Canlas ng 10 markers, 7 boards at two assists.

“We’re happy we got this one. The players really stepped up,” bulalas ni SBU coach Teodorico ‘Boyet’ Fernandez III.

Tumulong din sa Beda si Evan Nelle ng siyam na puntos, at tig-limang feed at rebound.

Napalaban ang Red Lions sa unang dalawang period, pero pagdating ng second half ay lumabas na ang ngitngit sa pamumuno nina Canlas at Tankoua.

Impresibo ang pagbabalik laro ni Kent Salado na galing ACL injury, naka-18 pts. at 11 rebs. subalit ‘di sapat para madala ang Chiefs sa ligaya.
Ang iskor:

San Beda 59 — Tankoua 13, Canlas 10, Nelle 9, Bahio 6, Doliguez 6, Oftana 6, Carino 3, Abuda 2, Alfaro 2, Soberano 2, Etrata 0, Noah 0, Cuntapay 0, Obenza 0, Visser 0.

Arellano 46 — Salado 18, Sablan 7, Arana 4, Bayla 4, Espiritu 4, Talampas 4, Gayosa 3, Sunga 2, Alcoriza 0, Concepcion 0, Oliva 0, Santos 0, Segura 0, Sacramento 0.

Quarterscores: 15-7, 24-23, 43-35, 59-46. (Elech Dawa)