Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanod binoga habang tulog

0 159

Todas ang isang barangay tanod matapos siyang pagbabarilin habang natutulog sa duyan sa binaban­tayang checkpoint sa Sinait, Ilocos Sur noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Sinait Police Station (SPS) officer-in-charge P/Lt. Joel Idica ang biktimang si Jenny Sarte, barangay tanod ng Barangay Sapriana.

Sa report, ayon kay Idica, natutulog umano ang biktima sa isang duyan nang mag-isa sa binabantayang checkpoint sa Barangay Sapriana, Hulyo 5.

Walang kaalam-alam ang biktima nang lumapit ang suspek at pinagbabaril siya sa mukha at katawan gamit ang kalibre .30 na baril.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Tumakas ang suspek sa pamamagitan ng paglalakad palayo sa crime scene.

Agad namang isinugod si Sarte sa ospital ngunit dead-on-arrival siya.

Nagpapatuloy ang SPS sa kanilang imbestigasyon hinggil sa pamamaril. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.