Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanod inasar bayaw, pinagsasaksak

0 74

Kritikal ang 45-anyos na barangay tanod nang pagsasaksakin ng kanyang bayaw na may problema diumano sa pag-iisip, sa loob ng kanilang bahay sa San Andres Bukid, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Inoobserbahan sa Ospital ng Maynila ang biktima na nagtamo ng saksak sa braso at likod. Habang inaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si 34-anyos na suspek, at nakatira rin sa naturang lugar.

Naganap umano ang insidente, alas-12:20 ng madaling-araw sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na napagtripan umano ng biktima, na nasa impluwensya ng alak, ang bayaw na nang tangkaing takutin gamit ang isang martilyo. Sa halip na matakot, inatake ng huli ang biktima at pinagsasaksak gamit ang patalim.

Huminto lamang ang suspek nang maawat ng mga kaanak, habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima.

Ayon sa mga kanilang mga kaanak, may problema umano sa pag-iisip ang suspek na palaging nagsasalita nang mag-isa.

Sasampahan naman ng kasong frustrated homicide ang suspek sa Manila City Prosecutor’s Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.