Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanod minura sa pagsita ng facemask violator

0 235

Patung-patong na asunto ang kinakaharap ngayon ng isang construction worker na inaresto dahil walang suot na facemask at nanlaban pa sa mga humuhuli sa kanya, kahapon sa Malabon City.

Resisting arrest, alarm and scandal at paglabag sa mga health standard ang ikinaso kay Mark Angelo Torres, 20, may live-in partner, taga-No. 21 Guava Road, Barangay Potrero.

SM food to go Banner Ad

Bandang ala-1:20 ng madaling araw, nagpapatrulya ang mga barangay tanod sa kahabaan ng Guava Road, Barangay Potrero nang makita nila ang suspek na naglalakad at walang facemask.

Nang lapitan at sinabing sumama ito sa barangay tanod para tikitan at kunan ng litrato ay pinagmumura umano ng suspek ang mga tanod at nagsisigaw dahilan para mabulabog ang ilang residente.

Hindi naman nagpadaig ang mga barangay officials na kalaunan ay naisama rin ang suspek sa barangay hall kahit nanlalaban. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.