Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanod nakuryente sa outpost

0 130

Patay ang isang barangay tanod nang makuryente sa kanila mismong outpost sa Brgy. Gimalas, Balayan, Batangas Lunes ng umaga.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Reynaldo Magtanong, 65, isa ring electrician.

Ayon sa Balayan police, alas-7:38 ng umaga, inaayos ng biktima ang linya ng kanilang ilaw sa outpost nang mapahawak ito sa live wire.

Agad itong nangisay at nawalan ng malay bago pa man napatay ang main switch.

Isinugod ito sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital subalit idineklara na itong dead on arrival. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.