Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanod niratrat ng mag-utol

0 255

Patay ang isang barangay tanod matapos itong pagbabarilin sa harap ng kanilang bahay sa Candelaria, Quezon Martes ng hapon.

Kinilala ng Candelaria police ang biktima na si Eduardo Verjes Macaraig, 52, taga-Sitio Kalye Onse, Brgy. Sta. Catalina Norte.

Sa report ng Candelaria police, nakatayo ang suspek sa kanilang compound nang dumating ang magkapatid na suspek na sina Kevin at Marvin Alinea Sarmiento, kapwa taga-Barangay Malabanban Sur. Sukat doo’y walang sabi-sabing binaril ang biktima na tinamaan sa ulo at katawan saka mabilis na tumakas.

Nahagip din ng mga ligaw na bala ang isa pang biktima na si Pablita Barcelona Macaraig na ngayon ay nakaratay pa sa ospital.

Narekober sa crime scene ang 6 na basyo ng kalibre 45 baril.

Alitan na may kaugnayan sa trabaho ng biktima bilang tanod ang umano ay ugat ng krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.