Abante Tonite Interactive

Tanod sa kinatay ng kaaway

By
965

Isang barangay tanod ang nasawi matapos pagsasaksakin ng matagal na niyang kaalitan sa Barangay Tiangan, Bagulin, La Union noong Linggo.

Kinilala ng Bagulin Police Station (BPS) ang biktima na si Reynaldo Piloy, barangay tanod, ng nasabing barangay. Samantala, ang suspek ay nakilalang si Andres Sangao, kapitbahay ng biktima.

Sa report ng BPS, matagal na umanong may alitan ang dalawa. Naglalakad ang biktima pauwi nang harangin siya ni Sangao at walang sabi-sabing bumunot ng patalim at saka pinagsasaksak sa katawan.

Nang makitang bumagsak na ang biktima sa lupa, dali-daling tumakas ang suspek dala ang kanyang patalim na ginamit sa krimen.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad laban kay Sangao.