Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanod warak sa 3 rapist

0 104

Napariwara ang pagkababae ng isang misis na barangay tanod matapos makatulog bunga ng matinding kalasingan makaraang makipag-inuman sa mga lalaking kapit-bahay at halinhinang gahasain sa Barangay Taliptip, Bulakan, Bulacan kamakailan.

Sa report na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nagsampa ang biktima ng kasong rape sa 3 kapitbahay at kainumang suspek na nakilala sa mga pangalang Jeff, Tobi at Tikmal.

Naganap ang insidente nitong Mayo 1, pasado alas 4:00 ng hapon matapos makipag-inuman ang lady tanod sa tapat ng bahay ni Jeff. Tinagayan ito at sa sarap ng inuman ay nalasing ang biktima hanggang sa makatulog sa bahay ng kainuman.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Alas-10:00 na ng gabi nang magising ang lasing na biktima at kahit nahihilo ay nagulat ito nang madiskubreng wala na siyang saplot sa katawan at muli siyang ginahasa ni Jeff.

Nang makaraos, muli siyang pinilahan ng dalawa pang suspek hanggang sa kapwa makaraos.

Kinabukasan, nanakit ang kaselanan ng biktima at nagpasama sa kanyang mister para magreklamo sa pulisya kaya nasakote ang tatlo na pawang nahaharap ngayon sa kasong rape. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.