Abante Tonite Interactive

Tao binalaan ng Ciudad Verdadero

307

Mga ka-Misteryo, nahaharap ang tao sa malaking pagsubok sa buhay tulad ng pagkalat ng coronavirus, pagkasira ng kalikasan at mga pag-aaway na ang mismong sanhi ng lahat ay ang kasakiman ng tao.

Iyan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Binisita ng #Misteryo ang Ciudad Verdadero na kilalang Metapisikal na Lugar sa Sampaloc, Quezon.

Halos isang taon na ang lumipas nu’ng huling binisita ng #Misteryo ang mapagpalang lugar pero muling nag-imbita ang mga nilalang para ihayag ang kanilang mensahe.

Ibinahagi ng tatlong nilalang sa Ciudad ang mensahe para sa lahat, kayo na ang bahalang humusga at isiping mabuti ang kahulugan ng bawat kataga.
Narito ang mensahe:

“Maraming dapat na gawin, manalangin, marami pa ang mangyayari.

“‘Yang sakit (Covid-19) na ‘yan, puwede pang mapigilan.

“Alam niyo marami kaming gumagawa ng paraan para sa inyong kagandahan ng buhay.

“Ang dami na naming gustong planuhin at gawin, matitigas lang ang ulo ng tao.

“Nag-aaway-away… ‘wag na sanang mag-away, magmahalan na lang kayo…

Ang sakit ay epekto ng pag-aaway. Kami rin ay nasasaktan sa inyong mga ginagawang pag-aaway. Kaya ngayon pa lang, kayo na ang bahalang gumawa ng paraan… narito lang kami. ‘Wag kayong mag-alala, gagabayan namin kayo… andito lang kami.”

ABANGAN sa susunod ang iba pang mensahe ng mga nilalang sa Ciudad Verdadero. Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang websites www.reytsibayan.com at abante.com.ph.