Abante Tonite Interactive

Tao lang si Brownlee, kailangan ng resbak

397

Mortal din si Justin Brownlee, hindi niya ka-yang balikatin mag-isa ang Ginebra.

Kailangan ang kontribusyon ng locals.

Taas-baba ang kampanya ng defending champions sa PBA Commissioner’s Cup, nasa 2-3 pagkatapos ng limang laro. Huling tumukod ang Gin Kings sa TNT KaTropa 1-4-96 noong Miyerkoles.

Kaya kinalampag ni coach Tim Cone ang kanyang locals.

“Again, we were deferring to Justin too much. He is doing too much for us,” anang tactician. “Our guys have to step up.”

Nagsumite si Brownlee ng 29 points at 17 rebounds, nakatuwang niya ang 18 points at 7 assists ni LA Tenorio. Hindi masama ang 39 points combined nina Greg Slaughter, Joe Devance, Scottie Thompson at Japeth Aguilar, pero sa dulo ay walang naisagot ang Gin Kings sa ratsada ng KaTropa.

Lamang pa ang Ginebra 77-69 papasok ng fourth nang pumutok ng 16 points sa final period si RR Pogoy tungo sa career-high 38 points mula 10 3-pointers. Nakontrol ng Gins si Terrence Jones sa 17 points, pero naka-triple-double pa rin ang TNT import sa 14 rebounds at 16 assists.

“We played a good three quarters but it’s the fourth quarter that counts,” giit ni Cone. “We panicked when they made a run at us. We just never got our feet under us. We just have to show more discipline in our game when it comes down to the fourth quarter.” (VE)