Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Taong ahas’ scandal Alice pumiyok sa P850M areglo

0 773

Finally, pagkatapos ng mahabang taon ng pananahimik ay binigyang-linaw na rin ni Alice Dixson ang “urban legend” na kumalat many years ago na kinuha raw siya ng isang taong-ahas sa isang mall

Actually, bata pa kami ay umiikot na talaga ang kwentong ito – na habang nasa dressing room si Alice ng department store ay natipuhan siya umano ng taong-ahas na nasa basement daw at bigla siyang kinuha.

Marami ang naniwala sa kwentong ito na for a while ay natakot sila na mag-shopping sa nasabing department store.

At never na nagsalita si Alice tungkol dito kaya naman hindi namatay-matay ang kwento. Ang tsismis pa nga ay nabayaran siya para sa kanyang pananahimik.

Pero finally nga ay tinuldukan na ito ng aktres sa pamamagitan ng kanyang vlog sa You Tube uploaded last Saturday. Ikinuwento niya ang detalye kung ano talaga ang nangyari noong araw na ‘yun na nagpunta siya sa mall

Simulang kwento niya, ang natatandaan daw niya ay talagang nagpunta siya ng department store nang araw na ‘yun para magtingin-tingin ng mga damit at talagang nagpunta siya sa dressing room.

Pero may insidente rin pala na nag-shooting siya sa nasabing mall at dito raw talaga nagsimula ang kwento tungkol sa taong-ahas.

“I remember it actually being night and production told me I needed to change my outfit or go into my costume and they directed me to the bathroom sa labas ng department store on the 4th floor para magpalit ng damit,” kwento ni Alice.

Nang nasa banyo na siya, nagbiro siya at sumigaw ng “Tuklaw, tuklaw!” Hindi raw niya alam kung bakit niya ginawa ‘yun, siguro raw ay dahil nga sa gusto niyang magpatawa sa mga kasamahan.

“I was just being young and silly,” aniya.

Aside from that, palabas daw nang time na ‘yun ang Tuklaw movie ni Richard Gomez, so that was in 1986.

After a few days ay lumabas na nga raw ang balita sa mga dyaryo na kinagat or kinain siya ng malaking sawa sa loob ng mall. And few days later, tinawagan daw siya ng representative ng mall at gusto siya kausapin pero hindi raw sila nagkausap.

She went on with her life pero hindi raw namatay-matay ang tsismis hanggang sa ngayon at naging “urban legend” na nga.

Sa kauna-unahang pagkakataon, paglilinaw ni Alice, walang katotohanan ang balitang ito.

“Nothing really happened. Nothing really happened in the way that the urban legend or the myth dictates.

“Kunwari, hindi naman ako nahulog sa trapdoor. Hindi naman ako tumakbo sa corridor palabas ng you know, papuntang hotel. Hindi rin naman ako nabayaran ng P850 million at hindi rin nangyari ‘yung na-cut ‘yung pagsasalita ko sa isang TV show when I was trying to explain myself.

“Those things are all not true,” pahayag ni Alice.

Ayon pa sa veteran actress, ito raw ang una’t huling pagkakataon na magsasalita siya tungkol sa isyung ito.

Matteo pinagluto si Sarah

Sarah Geronimo turned 32 last July 25 (Saturday) at ito ang kauna-kaunahang birthday celebration niya as Mrs. Matteo Guidicelli. Bilang selebrasyon (kasabay na rin ng long overdue honeymoon) ay nagpunta sila sa Amanpulo Resort sa Palawan kasama ang mag-asawang Doc Hayden Kho at Dra. Vicki Belo with daughter, Scarlet Snow.

Naka-post nga sa mga accounts nina Doc Hayden and Dra. Vicki ang ilang mga larawan during the celebration na talaga namang nag-viral lahat.

May fan din na nag-post ng naganap na birthday salubong kung saan ay makikita ang video na ipinagluto ng pasta ni Matteo ang misis at siya mismo ang naghanda nito sa plato.

Caption ng nag-post, “Gosh, ampogi na, ang galing pa magluto ni @matteog. Made with love for @justsarahgph. Bday salubong.”

Nirepost ito ng mga fans at puri nila kay Matteo, “best hubby ever.”

Sa gabi ng kanyang birthday last Saturday ay nagkaroon ng birthday dinner for Sarah kung saan ay makikita naman sa video na kinakantahan siya habang ibino-blow niya ang birthday cake. Sa isang video ay makikita namang hinahalikan siya ni Matteo habang tila kinikilig ang lahat.

Bago natapos ang gabi ay nag-post si Matteo ng kanyang birthday greetings para sa misis. Ang sweet nila sa larawan na in-upload ng aktor kung saan ay makikita kung gaano sila kasaya.

“Happy birthday my lovely wife. I’m so proud of you. You deserve all the happiness and positivity that life has to offer. Whatever dreams you want to achieve, I’m here by your side. You are so beautiful. Happy birthday! @justsarahgph,” ang caption ni Matteo.

Sa totoo lang, bihira ang pagkakataon na nakita naming nag-celebrate ng birthday si Sarah since nag-start ang career niya. Kadalasan kasi ay nagtatrabaho siya sa kanyang kaarawan dahil lagi siyang may birthday concert sa Araneta Coliseum.

Leave A Reply

Your email address will not be published.