Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taong baraha, biglang nagpakita

0 129

Mga ka-Misteryo mala-Alice in Wonderland ang paksa natin ngayon mula sa totoong karanasan ng isang babaeng itago natin sa pangalang Alicia ng Marikina.

“Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Ilang araw na ring nakakapanaginip ng kakaiba si Alicia nitong mga nagdaang araw. May panaginip siyang nakakita ng mga taong unat sa kanyang silid na sa pakiwari niya ay mga ET. May panaginip siyang tila tumitiklop ang kanyang kapaligiran tulad sa pelikulang Inception at may pagkakataon din na tila nasa dimensyon siya ng MIB – Men In Black.

Inamin ni Alicia na mahilig siyang manood ng mga pelikula sa cable television pero kadalasan ay mga horror ang paborito niya. Nagtataka lang siya dahil wala naman kinalaman sa napanood niyang pelikula ang huling mga panaginip niya at ang matindi pa nito, hindi lang sa panaginip kundi sa mismong paggising niya biglang lumitaw ang isang taong baraha.

Misteryo: “Paano mo nakita ang taong baraha? Ano yung hitsura niya?”

Alicia: “Ganito yun…pagkatapos kong managinip ng kakaiba, paggising ko ay may biglang lumitaw sa harap ko, na isang baraha, nang titigan ko ay may hugis-tao para siyang king of hearts pero walang heart shapes ang paligid niya.”

Misteryo: “Teka, so magkasunod pala yun after mo managinip biglang litaw si ‘hari’ yung hugis-taong baraha? Ano ang kinalaman niya sa panaginip mo.”

Alicia: “Siya ang nagpaliwanag sa kahulugan ng panaginip ko. Hindi siya nagsasalita nang makita ko siya pero naririnig ko boses niya sa isip ko, ang linaw.”

Misteryo: “Ano ba ang naging panaginip mo? Kakaiba ba? Nahirapan ka bang intindihin?”

Alicia: “Oo kasi ganito yun. Nakatayo daw ako sa hallway habang lumilindol, grabeng yugyog at uga ang nararamdaman ko. Sa magkabilang gilid ko ay may dalawang elevator. Yung sa kanan ko pinindot ko. Bigla itong tumigil sa 4th floor pero hindi nagbukas ang pinto. Pinindot ko yung kaliwang elevator, bumukas ang pinto pero madilim sa loob. Natakot ako kasi nakita ko anino ko na may rehas sa ulo kaya hindi ako pumasok. Nag-stay na lang ako sa hallway kahit umuuga.”

Misteryo: “Pagkatapos nun, anong sumunod na nangyari? Nagising ka na ba.”

Alicia: “Oo pero biglang lumitaw itong si haring baraha sa harap ko at yun na nagsabi siya ng mensahe kung ano meaning ng dream ko.”

Misteryo: “Anong paliwanag niya? Naliwanagan ka ba sa sinabi niya.”

Alicia: “Oo mukhang yun nga ang tinatahak ng buhay ko ngayon. Yung sa kanan ko na hindi nagbukas at kung pinilit ko daw buksan, yun daw ang ‘escape’ route ko, at tatakas ako, pero no chance hindi nga nagbukas at tumigil talaga sa 4th floor. Yung nasa kaliwa ko, sinabi ni haring baraha na ‘trapped’ ako at walang pagbabago. At yung pinili ko daw ay ‘change’ dahil inuuga yung hallway, may pagbabago pagkatapos ng sitwasyon na yun.”

Misteryo: “Tama ba sa palagay mo ang sinabi ni haring-baraha? After nun, ano na nangyari? Nawala na ba siya?”

Alicia: “Sa feeling ko tama siya sa interpretation ng dream ko at yun bigla siyang nawala.”

Imposible pero totoong nangyari kay Alicia at maaari din niyong maranasan. Pakiwari ko ay spirit guide niya ang nagpakitang haring-baraha.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.