Abante Tonite Interactive

Taong grasa nambulabog sa MRT-3, binaril ng guwardiya

By
1,191

Sugatan ang isang taong grasa makaraang barilin ng isang guwardiya ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 nang pumasok ng hubo’t hubad sa loob ng Ayala Station, nambato at nagwala kahapon nang umaga.

Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ang hindi pa nakikilalang lalaki na tinamaan ng bala ng kalibre .9mm nabaril sa kanang paa.

Sumuko naman sa pulisya ang guwardiya ng Ayala Station na si Ferderico Bustamante, 30-anyos.

Ayon kay Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, tdakong alas-8:50 nang umaga nang maganap ang insidente.

Pumasok sa loob ng Ayala Station ang biktima na hubo’t hubad at nambabato ito sa mga sasakyang dumadaan sa EDSA.

Dahilan upang sitahin ito ng rumespondeng si Bustamante pero sa halip na tumigil ay nagwala at gustong atakihin ang naturang guwardya saka naglakad pa patungo sa Magallanes Station.

Dito na siya pinaputukan ni Bustamante at tinamaan sa kanang paa. Dinala naman agad ng rescue team sa natu­rang ospital.