Abante Tonite Interactive

Tapat sa bureau: Maraño hindi aalis sa F2 Logistics

426

Hindi ipagpapalit ni Philippine SuperLiga (PSL) star Abigail ‘Aby’ Maraño ang kanyang women’s indoor volleyball team sa kahit sinong kampo.

Ito ang nagging katugunan ng 27-year-old, 5-foot-9 Ilongga sa isang netizen na nagtanong na “Have you ever thought of playing for a new team sa mga susunod na taon like a team from PVL (Premier Volleyball League) perhaps? #AskTyang” (@whattheferngk).

“No po. Hindi ko na ipagpapalit ang @F2CargoMovers family ko hanggang magretiro ako sa paglalaro. Marami na rin akong nalaruan na teams dati, I think good na ako rito. Buo na ako,” tweet ng dalagang balebolista.

Simula pa noong 2016 pagka-graduate sa De La Salle University at playing years sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), binabandera na ni Maraño ang Cargo Movers, at may limang kampeonato na rin sa nasabing PSL team. (JAT)

Tonite – Wendys Inhouse Ad