Abante Tonite Interactive

Tapatang Carmina, Sunshine nangangamoy away

3,111

Sa pagpasok ni Sunshine Dizon sa Kambal, Karibal, mas napatunayan ng viewers na patindi na nga nang patindi ang mga kaganapan sa Primetime series na ito ng Kapuso Network lalo pa’t handang-handa na ang karakter ni Sunshine na si Maricar na bawiin ang anak niyang si Cheska (Kyline Alcantara) kay Geraldine (Carmina Villarroel). Kaya naman sa patuloy na pakikipaglaban nila para sa karapatan sa dalaga, kinabibiliban ngayon ang husay ng dalawang Kapuso actress dahil maraming ina ang nadadala sa kanila. Sa mga komento ng ilang mga netizen, dama nila ang bawat emosyong binibigay nina Carmina at Sunshine. Nangangamoy away sa Team Carmina at Team Sunshine.

May isang ina nga na nagsabing tutok na tutok talaga siya sa tapatan ng mga ito. Hati naman ang reaksyon ng mga manonood sa kung kanino ba dapat mapunta si Cheska. May ilang nagsasabi na dapat daw ay kay Geraldine dahil ito ang nag-alaga dito simula bata, may ilan naman na dapat daw ay si Maricar dahil ito ang tunay na ina. Pero sino nga kaya ang magwawagi sa kanilang dalawa ngayong pati si Cheska, tila nilalabanan sila Crisan (Bianca Umali) at Crisel (Pauline Mendoza) para lang makabalik sa katawan niya. Abangan ang susunod pang kaganapan sa Kambal, Karibal!
***

Atom may natuklasang yaman sa Indochina

Ngayong Linggo (June 24), sama­han si Atom Araullo sa paglilibot niya sa Indochina upang tuklasin hindi lamang ang mayamang kultura nito kung hindi pati na rin ang nakabibilib na koneksyon ng Pilipinas sa mga bansa rito sa The Atom Araullo Specials.

Sa Vietnam, maki-join kay Atom sa isang kakaibang food trip sa tinaguriang World’s Most Affordable Country. Susubukan din niyang mag-motorsiklo sa siyudad ng Ho Chi Minh, na kilalang ‘Motorbike Capital of the World’, at hanapin ang mga ninuno ng isang pang­kat-etniko mula sa Mindanao—ang mga Cham.

Isang Pilipino naman daw ang nagdala ng brass music sa Cambodia. Susubuking mahanap ni Atom kung sino ang kababayan nating ito na naging maes­tro rin sa Royal Brass Band ng hari ng Cambodia.

Samahan din siyang mag-boat tour at mamingwit sa Tonle Sap Lake, ang pinakamalaking lake sa Southeast Asia.

Makikitagay rin si Atom sa bansang Laos, kung saan mapapasabak siya sa paghuli ng isang mapanganib na special ingredient! Alamin din kung paano sinagip ng mga bayaning Pilipino ang libo-libong Laotian noong ‘50s at ‘60s.

Tuklasin ang yaman sa kasaysayan at kultura ng Indochina sa The Atom Araullo Specials: Backpacking Indochina nga­yong June 24, 4:30 p.m. sa GMA-7.

Julie Ann suportado ni Ali Forbes sa Miss Manila 2018

Matunog sa Miss Manila 2018 si Julie Ann Forbes. Candidate #26.

Siya ay kapatid ng actress at Bb. Pilipinas 2012 1st Runner-Up na si Ali Forbes. Sa Facebook account ni Ali, makikita ang suporta niya kay Julie.

May mga tips na ibinigay si Ali lalo’t naging tv host ito sa ‘Pinay Beauty Queen’ ng GMA News TV bago naging produkto ng Pinoy Big Brother.

Si Julie ang pinakabata sa apat na Forbes sisters, 22 years old, may sukat na 34-25-35, may taas na 5’6. Nagtapos siya sa Dr. Yanga’s college Inc. ng computer technology. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa DLTB Bus Company.

Kung mabibigyan siya ng pagkakataon, gusto rin niyang pumasok sa showbiz. Nakakanta raw siya at nakakasayaw.
Pangarap din niya na maging kinatawan ng Miss Universe balang araw.

Bakit siya sumali sa ‘Miss Manila 2018’?

“I join Miss Manila because I want to reach out to my fellow Manileño and touch there heart and be good example for them. I want to be an instrument for Mare Foundation and President Mayor Erap Estrada to bring back the renowned ‘Pearl of the Orient’ and to inspire them to my story that whatever you’ve been through be positive in life and be thankful. I’am grateful to be part of this competition,” paglalahad niya.

Palarin kaya si Julie na makuha ang korona sa Miss Manila 2018? Abangan sa June 26, 2018 na gaganapin sa PICC Reception Hall. Ang TV airing nito ay sa July 1 sa ABS-CBN’s Sunday’s Best pagkatapos ng Gandang Gabi Vice. Sina Xian Lim at Yassi Pressman ang mga host sa coronation night.

Tumataginting na P1,000,000.00 ang premyong mapapanalunan ng mananalong Miss Manila (500 cash plus Viva Management contract worth P500,000.) P350,000 sa first runner up, P250,000 sa second runner up, P150,000 cash sa third runner up at P100,000 cash sa fourth runner-up.

Ang Miss Manila 2018 ay itinataguyod ng The City of Manila at Mare Foundation, a non-profit institution headed by Chairperson and pageant director, Ms. Jackie Ejercito.