Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tapia nadale ng Sto. Tomas

0 467

TULOY ang University of Santo Tomas sa pagre-recruit ng mga manlalaro kahit nasasangkot ito sa mabigat na isyu sa paglabag sa ipinapatupad na safety at health protocol ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease at Joint Administrative Order ng mga sangay pamahalaan sa pangunguna ng Department of Health.

Ito ay matapos na pumayag na maglaro para sa Tigresses ang Rebisco Volleyball League Most Valuable Player (MVP) sa Northern Luzon Regional Finals at beterano sa Palarong Pambansa na si Ypril Jyrhine Tapia.

SM food to go Banner Ad

Si Tapia ay naging Athlete of the Year sa First City Providential College at inaasahang magiging parte sa Open Hitter slot bilang isa sa mga rookie ng UST Golden Tigresses na ginigiyahan ni coach Kungfu Reyes.

Iniulat ng Rising Volley PH na si Tapia ay dating kasamahan ni Eur Eslapor na isa naman sa rookie ng UP Fighting Maroons nakaraang Season 82. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.