Taplah, 2 pa binida ang PITC, NHA

526

Mga laro sa Miyerkoles:
(Paco Arena, Maynila)
3:00 p.m. – Agriculture vs Judiciary
4:30 p.m. – NHA vs PITC

Pinaramdam agad ng ­National Housing Authority (NHA) at Philippine International Trading Corporation (PITC) ang marudbdob na hangarin sa semifinals pagkaraang tiklupin ang mga karibal sa siklab ng quarterfinal round ng 8th UNTV Cup 2019-2020 nitong Linggo sa Paco Arena sa Maynila.

Sa likod ng 21 points ni ­Alvin Vitug kinalsuhan ng NHA ­Builders ang 4-game winning streak ng Judiciary Magis, 67-59 habang sinangkalan PITC Global Traders ang tig-14 markers­ nina Aloysius Taplah at Haddi Porto para ngasabin ang DA Food ­Masters, 74-61.

Ang pagsasanib puwersa nina Vitug at Antonio Lustestica na na may 14 markers din para sa 20 points sa final quarter ang nagpanalo sa Builders.

Nasandigan din ng Global Traders sina Luis Lopez na nagpasabog ng double-double 10 points at 12 boards at Ryan ­Regalado na may 12 markers.
May 7-3 win-loss na ang NHA habang pmarehas ang PITC sa Judiciary Magis sa 6-4 sa ­torneong may papremyong P4M na ilalagak sa mapapiling charity ng champion team.

Ang mga iskor:

Unang laro
PITC 74 – Taplah 14, Porto 14, Vassallo 13, Regalado 12, Lopez 10, Gecale 6, Almarinez 3, Martin 2.

DA 61 – Oreta 21, Dematera 13, Comerciase 11, Silva 6, Casaysayan 5, Lim 3, Mastelero 2.

Quarters: 9-17, 44-29, 66-41, 74-61.

Pangalawang laro

NHA 67 – Vitug 21, Lustestica 14, Mercado 12, J. Dizon 9, M. Tibay 5, Alastoy 2, M. Dizon 2, R. Tibay 2.

JUDICIARY Judiciary 59 – Tolomia 17, Malinao 16, Dionisio 9, Ybanez 7, Bergonio 3, Dela Cruz 2, Marquez 2, Mustre 2, Litonjua 1.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...