Abante Tonite Interactive

Tapos na ang paghahari

By
1,636

Nakakapagtaka ang naging galaw ni dating Senador Bongbong Marcos at mga kasama nito nang magtungo ang kanilang grupo sa Camarines Sur para sa inihain nitong protesta laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa halip kasing di- rektang makipag-ug- nayan sa Presidential Electoral Tribunal at sa lokal na tanggapan ng

Commission on Elec- tions (Comelec) sa Camarines Sur ay tila relax itong si Marcos at kanyang mga tauhan.

Sa tsika ng ilan na- ting kaibigan sa Cam- Sur, pagdating daw ng mga tauhan ni Bongbong ay hinayaan
lang nila ang lokal na Comelec at treasurer na mamroblema kung paano dadalhin ang balota sa kapitolyo.

Bunsod nito ay na-pilitan ang treasurer at mga lokal na opisyal ng Comelec na magla- bas ng sariling pera
para umupa ng jeep at truck na gagamitin para dalhin ang mga balota sa kapitolyo sa Pili, Camarines Sur.

Ang matindi pa, pinaghintay ang mga kaawa-awang mga tao sa ilalim ng init ng araw habang kumaka-
lam ang sikmura sa gutom.

Ang iba namang election officers (EOs) na galing pa sa mala- layong lugar ay ginabi na sa haba ng biyahe
at paghihintay.

Related Posts

Tumagal nang sobra ang proseso dahil sa kakapusan ng prepara- syon kaya kinulang ang oras ng PET para
ayusin ang proseso sa retrieval ng mga bal- lot box.

Ang alam ko sa kara- niwang takbo ng isang protesta ay ang nag- poprotesta ang pur-sigido para mapadali ang proseso at mabilis na madesisyunan ang kaso.

Pero ibang klase raw ang obserbasyon ng mga taga-Pili sa kampo ni Bongbong na tila mga walang pa- kialam at hinahayaang umikot ang puwet ng mga tauhan ng Co-melec.

Kung talagang gusto na nitong matapos ang kasong kanyang pina- simulan ay dapat inayos ng kanyang kampo ang
proseso ng pagkuha ng mga balota.

Tutal naman, siya ang naghain ng pro- testa.

Ang tamang pro-seso, ang PET ang dapat na umiikot sa mga munisipyo at ku- muha ng mga balota pero dahil sa tila pang-gigipit ay inabala pa tuloy ang mga lokal napamahalaan na wala dapat obligasyon sa ganitong proseso.

Ang matindi pa, kasunod ng nasa- bing pangyayari ay ngumangalngal ang kampo ni Marcos at umalmang hindi sila pinapaboran ng PET.

Hay naku tapos na ang inyong paghahari, ano!