Abante Tonite Interactive

Tapos na ang siraan at maduming politika – Bong Go

565

Naniniwala si da­ting Special Assistant to the President (SAP) at senatorial candidate Bong Go na tapos na ang madu­ming politika at paninira sa mga kandidato matapos tuluyang wakwakin ni Senate President Vicente Sotto III ang kre­dibilidad ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ sa publiko.

Sinabi ni Go na kumpiyansa siyang mulat na ang mga Pilipino sa laro ng maruming politika lalo na sa panahon ng kampanya at panahon ng eleksiyon at batid na ng mga botante kung sino ang inaakala nilang tunay na magseserbisyo sa kanila at sa sambayanan.

Tinangka aniyang maliitin ng mga kalaban ang kakayahan ng mga Pilipino pero makikita sa magiging resulta ng eleksiyon sa darating na Lunes, May 13 kung sino ang napili ng mga botante na iluklok sa puwesto.

“Sinubukan nila si­raan si Mayor Duterte nang tumakbo siya ng pagkapangulo noong 2016, nagbackfire sa kanila. Ngayon namang midterm elections, hindi pa rin po sila natuto at parang minamaliit pa rin nila ang kakayahan ng Pilipino na ihiwalay ang totoo sa hindi.

Ako po ay naniniwalang tapos na ang maruming politika at siraan, kampante po ako na nasa puso na ng bawat Pilipino ang mga kandidatong sa tingin nila ay tunay na magsiserbisyo sa sambayanan,” ani Go. (Aileen Taliping)