Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tapos ng 65 taon: Lady Bulldogs reyna uli

0 89

Kinumpleto nang hinirang na Rookie of the Year-Most Valuable Player na si Mhicaela ‘Bella’ Belen at ng NU Lady Bulldogs ang pagwalis sa La Salle Lady Spikers 25-15, 25-15, 25-22 sa race-to-win finals at sa pambihirang 16-game upang magkampeon uli tapos ng 65 na taon sa 84th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament sa harap ng 12,621 miron sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay Martes ng gabi.

Sumobra ang pagkaganado ng NU sa ‘di na pagpapaporma sa DLSU dahil bago ang pambihirang season sweep, dinomina rin ang individual awards sa pangungu ni Belen na ‘di lang ROY-MVP trophies ang inuwi, kasama pa ang First Best Outside Spiker.

Ang mga katropa niyang sina team skipper Princess Ann Robles ang napiling Finals MVP, Second Best Middle Blocker si Sheena Angela Toring, Best Opposite Spiker si Alyssa Jae Solomon, Best Setter si Camilla Victoria Lamina, at Best Libero si Jennifer Nierva.

Kumukumpletong pinarangalan sina Faith Janine Shirley Nisperros ng tumerserang Ateneo Blue Eagles na Second Best Outside Spiker, at Thea Allison Gagate ng La Salle na First Best Middle Blocker.

Umiskor ang 22-anyos na outside hitter na si Belen ng 16 points sa likod ng 18 ni Solomon samantalang naka-19 excellent digs si Nierva para sa pangatlong korona ng Bustillos-based squad makaraan ang noon pang mga taong 1954 at 1957. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.