Abante Tonite Interactive

Tapusin na ang usapin sa Speakership

252

Dear Abante Tonite,
Bakit ang gulo-gulo ng nangyayari sa Kongreso dahil lamang sa Speakership.

Gaano ba ito kahalaga? Ang iba ay nais maluklok bilang lider ng Kongreso.

Sa totoo lang, ang taumbayan ay wala namang pakialam kung sino ang manalo o umupo bilang Speaker ng Kongreso, kaso ang nangyayari sa araw-araw na lang ay naririnig namin sa radio, napapanood sa TV at nababasa sa diyaryo na pinagtatalunan, pinag-aagawan at pinaghahatian ang kapangyarihan ng pagiging Spea­ker. Nakakasawa na!

Bakit hindi na lang sila magkaisa, pareho lang naman sila na binoto ng mamamayan at gusto lang naman ay magkaroon ng lider na maayos, tapat at matapang sa paninindigan.

Bakit ba ayaw sumuko ng iba na kitang-kita naman na ayaw na sa kanya, hayyys, pakapalan ba ng mukha o ganid lang talaga sa kapangyarihan.

Tapusin na nila itong usapin ng Speakership kasi ang taumbayan din ang kawawa sa pag-aagawan nila sa puwesto.
Danny Filth ng QC