Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tara biyahe tayo!

0 85

Mahigit dalawang taon din akong natengga sa pamamasyal dahil sa banta ng pandemya. Ngayong bahagya nang nagluwag ang restrictions higit lalo sa pagsakay sa eroplano, sinubukan ko na muling bumiyahe.

Ang destinasyon ko – isla ng Boracay!

AirAsia ang pinili kong airline papuntang Caticlan. Mula booking hanggang actual flight, hassle-free. Ang mga ground staff at cabin crew, very accommodating. Ang pagkain sa loob ng eroplano, yummy.

Hindi na kailangan ng swab test kung fully vaccinated ang pasahero. Kinailangan ko lang mag-secure ng QR code sa Aklan LGU na major requirement para makapasok sa Boracay Island.

Ihanda rin ang vaccination card, isang valid ID, flight details at voucher ng hotel na titigilan sa isla. Kailangang i-attach ang soft copies nito para makakuha ng QR code.

Nakatutuwang isipin na parang balik-normal na ang biyahe sa mga eroplano. Ang pagkakaiba nga lang sa ngayon – naka-face mask ang mga tao.

SM food to go Banner Ad

May hanggang pitong flights kada araw ang AirAsia sa Caticlan. Kaya maraming choices sa oras ng biyahe ang mga pasahero.

Natapat na noontime ang biyahe ko mula domestic airport pa-Caticlan. Kasama ko sa Bora trip ang kaibigan at dati kong co-reporter sa GMA News na si JP Soriano.

Para hindi magutom – nag-avail kami ng pre-booked meals ng AirAsia. Aside sa chicken rice meal, may bread ding kasama sa package. Talaga namang sogbu kami ni JP.

Bukod sa pre-booked meals na puwede mong i-avail online, nag-aalok na rin ang AirAsia ng iba pang pagkain on board gaya ng noodles, chips at soda. May souvenir items din gaya ng relo, shirt at maging perfume.

Hindi ko halos namalayan ang biyahe dahil wala pang isang oras lumapag na ang eroplano sa Caticlan Airport. If my memory serves me right, we were 15 minutes ahead of the arrival time. Kaya naman ninamnam pa namin ang biyahe. Nagpahuli na kami ni JP ng paglabas para makapag-photo op sa loob ng eroplano. Ang babait ng cabin crew, sila pa mismo ang kumuha ng aming souvenir photos.

Ang sa akin lang, ngayong bahagya nang lumuwag ang restrictions, unti-unti na rin sanang bumalik ang kumpiyansa natin sa pagbiyahe, mapa-local o international flights man. Sa ganitong paraan, matutulungan natin ang airline industry na muling bumangon sa hagupit ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.