Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tara na sa Naked Island ng Siargao

0 393

Kumusta mga Ka Trip Mo, Trip Ko? Isang Linggo na lamang tayo ay papasok na sa buwan ng Agosto. Grabe napakabilis talaga ng panahon, parang kailan lang ay nagdaos tayo ng Pasko ngayon dalawang buwan na lamang ay papasok na din tayo sa ber months.

Kaya kahit magpa-Pasko ay hindi rin makakailang sabik na sabik ang karamihan sa vitamin sea kaya naman mas minabuti kong dalhin kayong muli sa isang islang mabilis umusbong ang turista.

Ang lugar na ito ay madaming dialect ang ginagamit tulad ng iba pa nating lugar dito sa bansa kaya naman tuturuan ko din kayo ng ilang mga salita nila. Tulad ng “Kumosta Kaw” na ang ibig sabihin ay kamusta ka?, “Maradjaw na buntag” na ang ibig sabihin ay Good morning, “ Simay imo ngayan” na ang ibig naman sabihin ay ano ang pangalan mo.

Nahulaan nyo na ba kung saan tayo papunta ngayong Linggo? Ali na mga Ka Abante sa Sohoton Cove ng Siargao.

Ang Sohoton cove ay binubuo ng maliliit na isla. Ang napakagandang lugar na ito ay mayroon lamang day tour dahil wala din naman koryente sa mga pupuntahan ninyo dahil purong nature lamang dito, swak ito sa mga gusto ng tahimik na pamumuhay kahit panandalian lamang.

Ang day tour nila dito ay sasabayan din ng pagbisita sa Naked Island ng Siargao na talaga namang malilimutan ninyo ang mga walang katapusang ingay ng syudad at oras na lagi nating hinahabol kapag tayo ay nag tatrabaho sama na din natin ang mga gastos na walang tigil haha! Kaya naman palagi kong advice sa inyo mag-ipon kayo para sa isa o dalawa sa isang taon na Trip para naman maiba yung araw ninyo.

Ito yung araw na wala kayong iisipin kung hindi ang mamamangha sa ganda ng kalikasan na likha ng maykapal.

No worries talaga kayo dito sa Sohoton Cove lalo na kapag package na ang inyong trip o bakasyon dahil mula sa inyong hotel na tinutuluyan ay susunduin kayo ng driver at dadalhin kayo sa Bucas Grande Island at mula dyan ay iikot na kayo gamit ang bangka.

Sa paglalakbay nyo pa lang dito gamit ang bangka ay talagang magiging berde na ang inyong paningin dahil sa mga maliliit na Isla na puro puno at ang ikinamamangha talaga ng mga turista dito ay ang kulay ng dagat na bughaw na para bang nasa tubig ka ng isang swimming pool. Ma-enjoy nyo din ang paglangoy dito kasama ang mga jelly fish o dikya na hindi mapanganib tulad ng iba.

Meron din ditong kuweba na kung saan ay na e-excite ang mga turista dahil makakapasok ka lamang dito ng nakalutang na pahiga, huwag kayo mag alala dahil may tourist guide kayo na aalalay sa inyo papasok sa kuwebang ito at maari ka pang lumangoy kapag ikaw ay nakapasok na sa loob.

Oh di ba! Ang bongga! At pag katapos dyan ay pupunta naman kayo sa isang kuweba kung saan ay aakyat kayo para makapunta kayo sa taas kung saan puwede kayong tumalon pababa sa tubig.

Hindi din mag papahuli sa ganda ang Naked Island dahil sasalubungin kayo ng pinong parang polbo na puting buhangin dito, swak naman dito ang mga turistang gustong magpa tan na kulay dahil dito ay wala ka halos masisilungan kaya naman hakot award ang sunshine dito.

Alam nyo mga Ka Trip Mo, Trip Ko hindi lamang ang mabubusog dito dahil sigurado akong mag eenjoy din kayo sa mga vitamin sea na pag-kain dito.. Haay ang sarap!

Kaya naman mga Ka Abante kahit nasa gitna tayo ng Krisis eh huwag tayo mawalan ng pag-asa dahil maraming bagay tayo dapat ipag pasalamat dito sa mundo tulad na lamang ng mga likha niyang magaganda na para sa atin. Salamat Kardjaw!

Leave A Reply

Your email address will not be published.