Abante Tonite Interactive

Tara nang mamasyal sa Pinto art museum

291

Entrance fee libre ngayon

Bilang pakikiisa sa ‘International museum­ day’ ngayong araw, Mayo 18, 2019 ay walang admission fee na ipatutupad ang pamunuan ng Pinto Museum na matatagpuan sa Sierra Madre St, Subdivision, Antipolo, Rizal.

Ang good news ay ibinahagi ng Pinto Museum sa kanilang Facebook page na Pinto Art Museum.

Abante Hiring – IT dep

Kaya naman tuwang-tuwa ang mga netizen sa libreng entrance na handog ng Pinto.

Sa FB page ng Pinto ay mababasa ang mga netizen na excited sa pagpasyal sa museum ng libre.

Ang museum ay bukas mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi araw-araw.

Kapag regular na araw ang entrance fee sa museum ay P200 kada tao.

Sa nasabing halaga ay malilibot mona ng buong Pinto Art Museum at maari ka ring magpakuha ng lara­wan at mag-selfie.

May diskuwento rin naman sa mga senior citizens at mga estudyante, mangyaring magdala lamang ng ID.

Sa mga senior citizens ang ­singil ay P180.00 habang P100.00 sa mga estudyante.

Itinayo ang museum noong taong 2010 upang makita ng publiko ang exhibit ng mga art collection ng mga Pinoy neurolo­gist at patron of the arts na si Dr. Joven Cuanang.