Abante Tonite Interactive

Tara na’t kumain sa Platina

0 313

Ni Julius M. Segovia

Marami ang nahuhumaling na bumisita at mamasyal sa Japan. I­nstagrammable o IG-ready kasi ang mga scenic spot doon. Bukod sa magagandang tanawin, kultura at tradisyon, habol din ng mga Pilipino sa pagpunta nila roon ang mga authentic J­apanese food.

Kung pagkain lang din naman pala ang pakay, bakit ka pa lalayo? Subukan ang Platina sa may Barangay Poblacion, Makati City. Hindi lang isang restaurant, kundi isang Japanese Street Food Village ang Platina. Hindi bababa sa labinlimang food stalls na nag-o-offer ng iba’t ibang Japanese food ang naroon.

Hindi siyempre mawawala sa listahan ang pamosong Ramen. Aabot sa P500 ang pinakamalaking bowl nito. Sulit at swak sa budget dahil good for 2 to 3 persons ang kada serving.

May pizza rin na sa pugon pa iniluluto kaya naman talagang ‘very crunchy’ pati ang crust nito. The best din ang Japanese gyoza. Isang piraso pa lang, para nang sinipa ang tiyan mo sa busog. Malaman kasi kaya talagang sulit na sulit.

It’s a family place. Good v­enue rin ng office meetings. Sa mga naghahanap ng chill place o tambayan, puwede rin naman ito. Bukod sa good house music, nag-o-offer din sila ng iba’t ibang liquor kabilang ang sikat na S­apporo beer!

Ang nakaka-proud-isang P­ilipino ang co-owner ng P­latina, si Rommel Roque na kapatid ng kilalang TV at radio broadcaster na si Lala Roque.

Hindi biro ang investment nila sa pagpapatayo ng ganitong food business. Mahigit P40M ang binuno nila para rito. Ayon kay Rommel, katuwang niyang namuhunan ang ilang Japanese businessmen na tanyag sa lara-ngan ng real estate at music industries.

Kuwento pa ni Rommel, malapit sa puso niya ang Japan dahil may sampung taon siyang nanirahan doon. “I used to work as a regional director for a US Fortune 150 Company based in Japan and also studied and pursued my masters degree in T­okyo”, dagdag niya.

Marami na ring restaurants si Rommel. Hindi na siya bago sa food business. Payo niya sa mga nag-aasam na magtayo ng parehong negosyo, “Put quality above anything else.” Huwag na huwag daw isasakripisyo ang kalidad ng produkto. Kung minsan kasi, may mga nag-cut corners para makamura pero sa huli, baka lalong hindi magustuhan ng potential clients ang produkto.

Hindi rin daw puwede ang ‘puwede na ‘yan’ attitude. Kailangan ang quality of service sa customers.

At siyempre, pinaka-importante ring bigyang halaga sa negosyo ang mga empleyado. Bigyan sila ng sapat na suweldo at benepisyo. Sila ang frontliners. Sila ang haharap sa customers. For sure, sisimangot ‘yan kapag hindi maganda ang pakitungo sa kanila ng mga amo. Ituring na kaanak ang mga empleyado. Kalauna’y sila rin ang tutulong para lalong umasenso ang negosyo.

Ang sa akin lang, hindi biro ang magbukas ng negosyo lalo na sa isang highly competitive market. Sa food business, marami talagang dapat i-consider kabilang na ang kalidad ng produkto at serbisyo. Habaan ang pisi dahil taon pa ang bibilangin bago maibalik ang investment. Sa ngayon, ang importante- na-satisfy ang customers mo. ‘Yun pa lang, nakatataba na ng puso.