Abante Tonite Interactive

Target: Aguirre

By
541

Ngayon na wala na siyang poder, posible ka­yang manganib nga­yon ang buhay ni dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa kamay ng mga drug lord?

Ito ay kung totoo, ayon sa isang government official na tumangging magpabanggit ng kanyang pangalan, na tumanggap si Aguirre ng drug money para ma-absuwelto ang kaso ng mga kilalang drug lord.

Kahit anong hugas ng kamay ni Aguirre na wala siyang kinalaman sa naging desisyon ng mga prosecutor ng DOJ, hindi ito pinaniwalaan ni Pangulong Duterte.

Ayon sa naturang go­vernment official, ilang sumbong na ang nakara­ting sa tanggapan ng Pangulo tungkol sa raket sa DOJ na case for sale.

Isa na rito ang reklamo ni Cebu City Mayor Tommy Osmeña nang pagbaligtad o pakikialam ni Aguirre sa isang tax evasion case na isinampa ng pamahalaang lokal ng Cebu sa BDO.

“Ngayon, desidido si Pangulo na maipakulong muli ng habambuhay sina Kerwin Espinosa, paano ang naging usapan nila kay Aguirre,” dagdag pa ng government official.

“Totoo lang, nanga­ngamba ako for his life sa posibleng ganti ng mga drug lord sa kanya,” dagdag pa nito. “Ang impormasyon na nakarating kay Pangulo ay malaking drug money ang pinaikot para maabsuwelto sila.”
Lord Kayo na po ang bahala.

BALITAWIT:
PAALAM NA (Rachel Alejandro)
Nais ko lang malaman niyo…
Laman ng aking ulo…
Baka ‘di na mabigyan ng ibang pagkakataon

Na sabihin ito sa inyo
‘Di ko ito ginusto
Na sila ay maabsuwelto
Ngunit ‘di magkasundo
Ebidensiya laging ‘di magtagpo ohh

REFRAIN:
Paalam na aking ka-brad!
Kay hirap sabihin
Paalam na aking k-brad!
Masakit isipin

Na kahit pa nagpa-selfie ka…
Sisibakin ka rin niya pala…
Maaring ‘nilihim lang sa isa’t isa
Sana’y huwag mong isipin na
Forever ka sa puwesto…
Dahil sa ‘yo lang nakita
Ang patong-patong na mga kontrobersiya…
Ngunit masasaktan lang kung magtatagal ka pa diyan…
Kahit pamamaalam mo ay agad na ngang pinagbigyan…
REFRAIN:

Paalam na aking ka-brad!
Kay hirap sabihin
Paalam na aking k-brad!
Masakit isipin
Na kahit pa nagpa-selfie ka…
Sisibakin ka rin pala niya..
Maaring ‘nilihim lang sa isa’t isa

BRIDGE:

Darating sa buhay mo
Na ikaw ay mabubuko
At malalaman na niya
At hindi ka na lulusot pa!