Abante Tonite Interactive

Target collection ng Port of Subic nahigitan

0 147

Ipinagmalaki ng Bureau of Customs – Port of Subic ang malaking halaga na kanilang nakolekta na kung saan ay nahigitan nito ang target collection ng nagdaang taon.

Ayon kay District Coillector Maritess Martin, sumobra pa ng P9.799 bilyon ang kanilang naging koleksyon para sa taong 2019 na umabot sa P32,370 bilyon mas mataas ng 43.41 porsiyento kung ikukumpara sa 2018 revenue collection na nasa P22,571 bilyon lamang.

Naging malaking kontribusyon umano sa pagtaas ng kanilang koleksyon sa Port of Subic ay ang mga imported goods, oil shipment at mga malalaking importer na mas pinili ang Subic bilang kanilang port of destination.

Bahagi din umano ng naiambag sa paglaki ng koleksyon ng Port of Subic ay ang pagpapatupad ng Tax Reform Law, Fuel excise tax at ang pagtaas ng exchange rate.

Matatandaang kamakailan ay nakatanggap ang Port of Subic ng pagkilala kung saan ay kabilang ito sa Top 20 Revenue Contributors.

Sinabi pa ni Martin na bukod sa kanilang layuning malagpasan ang target collection sa bawat buwan ay patuloy rin ang kanilang paghahatid ng mabilis at maayos na serbisyo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanilang mga stakeholder. (Jojo Perez)