Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Target na 54M sapol ng NTF

0 29

Nakuha na rin ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 kahapon ang target ng pamahalaan na halos 70 porsiyentong populasyon ang mabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., umaabot na sa 117,337,626 doses ng COVID bakuna ang naiturok sa 54,423,286 Pinoy at nakakumpleto na sa doses.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base pa sa datos ng National Vaccination Operations Center, nasa 4,403,780 Pinoy ang nakatanggap na rin ng booster.

Una nang sinabi ni Galvez na bibigyan ng prayoridad sa pagbakuna ang mahigit tatlong milyong hindi pa bakunadong senior citizen upang mabigyan ng proteksyon laban sa virus. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.