Abante Tonite Interactive

Target ng traysikel: Inner lane

323

AYOS BA?
Carlito Evangelista
Napanood ko ­kamakailan lang sa telebisyon ang video ng isang unit ng ­Partas bus na lumusot sa ­kanan o outermost lane sa ­highway para lamang maunahan ang sinusundang traysikel na nasa inner lane sa isang highway sa Northern Luzon.

Parang gulat na ­gulat, nagtaka at ­natakot ang kumuha ng video dahil sa ­kanyang tingin, napaka­delikado ang ginawa ng ­driver ng bus na ­paglusot sa kanan­ at hindi man ­lamang ­nahintay na ­tumabi ang traysikel upang mapagbigyan­ siya.

Nakita rin sa ­video ang pagsunod ng iba pang sasakyan sa ­ginawa ng Partas bus.

Para sa mga sanay na sanay nang ­magmaneho sa malayuan, ­kagaya ng driver ng Partas bus, ­hindi na nakakapagtakang makita nilang ­halos naka-steady sa ­inner lane ang mga ­traysikel na ­sinusundan, lalo na kapag puno ang mga ito.

Siguradong ­sigurado sila na hindi lilipat ang mga ito sa outer right lane kahit pa ­ilawan o kaya ay businahan ng dire-diretso, ang ­dahilan? Mabigat kasi imaneho ang traysikel at sa pakiramdam ng drayber ng mga ito, mas ligtas sila sa semplang o ­aksidente kung nasa inner lane nakapuwesto.­

Ang tingin kasi nila sa outer right lane ay ­reserbang lane ­lamang na pupuntahan kapag bababa ang pasahero o kaya naman ay ­magsasakay, pag-arangkada, balik na uli na sila sa inner lane.

Bakit nga ba ­mabigat imaneho at me ­paling sa kanan ang mga ­traysikel?

Tatlo ang gulong at ang kumakayod ay ang nasa hulihan sa ­kaliwa kaya natural lamang na maghatid ito ng ­puwersa sa direksiyon ng ­pakanan, wala ­kasing babalanse na gulong sa unahan sa kanan.

Mas marami ang sakay, mas hirap ang driver, hindi nga ­lamang halata dahil aakalain ng mga nakakakita na okay lamang ito sa kanila, pero sa mga naka­ka­alam, ang pagtagilid o pagkurba ng kanilang katawan ay isang ­indikasyon na iniinda nila ang pagmamaneho.

Kung babaligtarin ang situwasyon at sa kaliwang bahagi ng motor ikakabit ang sidecar, baka-sakaling ­manatili na sila sa ­outer most right lane dahil mali­lipat sa kabila ang ang bigat na nagdudulot ng ­paling.

Ang mga nabanggit po ay ­naging bahagi­ rin ng ­aking karanasan noong panahon­ ng ­kabataaan bilang isang dating traysikel driver na pumapa­sada sa aming ­bayan tuwing araw ng ­Sabado at Linggo.