Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Target sa ECQ klaruhin – VP Leni

0 457

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na nararapat lamang na maglagay ng malinaw na mga objective at mga target ang pamahalaan sa pagbabakuna, mass testing at iba pang programa laban sa COVID-19 ngayong pinalawig ang lockdown sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

“Dapat lahat ng ginagawa natin, merong timeline, scorecard. Kung magdadagdag tayo ng 1 week, ano ang gusto nating ma-achieve sa April 11?” ani Robredo.

“Ang point ko lang, nung last year na ang cases natin nung March, April (ay) 1,200 (ang daily average), ang goal na natin (sa testing ay) 30,000. Pero bakit hanggang ngayon, andun pa rin tayo na sobrang dami na ngayon na nagpa-positive,” aniya pa.

SM food to go Banner Ad

Hinikayat din niya ang pamahalaan na kalkulahin ang mga kama na magagamit sa mga lugar na full capacity na sa virus patient.

Mungkahi rin ni Robredo na kung kinakailangan ay kumuha na ng mga healthcare worker mula sa mga lugar na mababa ang mga kaso ng COVID-19 para matulungan ang mga ospital na apaw sa pasyente.

Pero dapat din aniya na boluntaryo lamang itong gagawin o kaya ay mag-alok ng package na katumbas sa sakrisyo ng mga healthcare worker. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.