Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tarlac, Davao nanguna sa bagong kaso ng COVID

0 48

Naitala ang pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 infection sa lalawigan ng Tarlac na may 211 pasyente, base sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Sabado, Nobyembre 21.

Batay pa sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 252, kabilang sa mga probinsya o siyudad na maraming bagong kaso ang Davao City, 115; Laguna, 74; Cavite, 69; at Negros Occidental, 65.

Lumobo na sa 416,852 ang kabuoang kaso ng COVID-19 infection sa buong bansa matapos na makapagtala ng panibagong 1,791 nitong Sabado, ayon sa DOH.

Umakyat naman sa 375,548 ang bilang ng mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19 matapos na makapagtala ng 328 katao na panibagong gumaling.

Samantala, nasa 8,080 na ang kabuoang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 dahil sa naitala na 55 bagong namatay.

Mula naman sa kabuuang bilang ng COVID-19 infection sa bansa ay 33,224 ang aktibong kaso.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.