Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tarlac pumalag! DOH sablay sa 211 COVID case

0 45

Pinuna ng provincial government ng Tarlac ang inilabas na datos ng Department of Health (DOH) hinggil sa mga bagong kaso ng COVID-19 infection sa bansa noong Sabado.

Base sa DOH, umabot sa 211 ang umano’y bagong kaso ng COVID sa Tarlac.

Sa Facebook post ng provincial government ng Tarlac, pinalagan nila ang nilabas na datos ng DOH sa COVID-19 bulletin nito.

Ayon sa provincial government, 19 kaso lang ang kanilang ni-report at anila’y inaayos na ito ng DOH Central Office.

SM food to go Banner Ad

“The reported 211 positive cases by the Central Office of the DoH in the province yesterday [Nov. 21] was incorrect. There were only 19 officially reported cases in the province and the DOH central office is now in the process of correcting their post which caused unnecessary panic and inconvenience to Tarlaqueños,” pahayag ng provincial government.

Saad pa sa post, nitong Linggo ay kinumpirma ng DOH na 20 lamang dapat ang bagong kaso ng COVID-19 sa Tarlac.

Siniguro naman ng provincial government na wala silang tinatagong impormasyon ukol sa pandemya.

Wala pang opisyal na pahayag ukol dito ang DOH. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.