Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Task Force COVID todo suporta sa turismo

0 189

Nagpahayag ng todong suporta si Presidential Peace Adviser Secretary at National Policy Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. sa pagsisikap ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ibangon ang industriya ng turismo sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

Binanggit ni Galvez sa virtual press briefing ang kahandaan ng Bohol para buksan ito sa local tourism sa susunod na buwan.

“Maybe this coming October, early October or middle October, puwede na muna siyang magbukas ng tinatawag na local tourism,” sabi ng kalihim.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, sinusuportahan ng National Task Force on COVID-19 ang target ng DOT na buksan ang mga aktibidad para sa turismo ng bansa kahit may pandemya pa.

“Kami po ay sumusuporta po sa ating Secretary Madam Berna Puyat—dahil kasi talaga pong nakita natin itong COVID-19 halos dumapa po talaga ang tourism business po natin,” pahayag ni Galvez.

Una nang inihayag ng DOT na unti-unting magbabalik ang turismo sa bansa.(PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.