Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Task force PhilHealth huling alas ni Duque

0 100

Hihintayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang findings at rekomendasyon ng Task Force na inatasang mag-imbestiga sa katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation ( PhilHealth) bago pagpasyahan ang magiging kapalaran ng mga opisyal na isinasangkot sa anomalya, partikular si Health Secretary Francisco Duque III.

Tugon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng rekomendasyon ng Senado na kasuhan si Roque kaugnay sa ginawang imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth.

Sinabi ni Roque na iginagalang ng Palasyo ang findings ng Senado subalit hinihintay pa ang findings din ng task force na inatasan ng Pangulo para mag-imbestiga.

“As I said, let’s await the recommendations of the task force. If the task force has the same recommendation as the senate, so be it. But for now, the President would defer to the finding of the task force,”ani Roque.

Mahalaga aniya ang findings ng task force dahil lahat ng miyembro nito ay mga institusyong may mandatong panagutin ang mga opisyal na gumagawa ng katiwalian .

“We are awaiting for the findings of the task force. They have only until Sept. 14 to finish the investigation, and I think within the month of September, the President wants to see their findings,”giit ni Roque.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.