Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Task force: UP security bill pabor sa kriminal, terorista

0 73

Pawang mga kriminal at komunistang-terorista lamang ang makikinabang sa itinutulak na panukalang batas na University of the Philippines (UP) Security Bill o House Bill 10171 na agarang inaprubahan ng mayorya ng mga mambabatas sa Kamara.

Ito ang binigyang diin ni Associate Provincial Prosecutor at tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa Region VI na si Atty. Flosemer Chris Gonzales, nitong Lunes sa regular na ‘virtual’ balitaan ng task force.

Sinabi ni Gonzales na hindi rin naayon sa Saligang Batas ang mabilisang pagtatangka ng mga kongresista na maipasa ang panukala dahil iilan lang ang makikinabang dito at maiiwan ang mga mismong mag-aaral ng unibersidad, mga guro at maging ang mga may-ari ng mga negosyo sa loob ng mga sangay ng UP.

Kung ganito raw ang mangyayari, sa laki ng mga campus ng UP, makakapagtago ang lahat ng pinaghahanap ng batas, pangunahin na ang mga miyembro ng http://windhampharmacy.com komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF at malaya pa ang mga ito na mangrecruit ng mga estudyante na dapat ay ipinagbabawal ng panukalang batas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaya nga raw di na pumayag ang Department of National Defense na ituloy pa ang kasunduan o ang UP-DND Accord ng 1989 dahil pinagbabawalang pumasok ng basta-basta ang AFP o PNP sa mga UP campus.

Samantala, ang dating Executive Vice President ng UP at Special Adviser for the National Task Force on COVID-19 Philippines, na si Dr. Ted Herbosa ay nagsabi naman na di na kailangan amiyendahan ang UP Charter o Republic Act 9500, dahil ang sinasabing Academic Freedom ay nakaangkop na dito.

Ayon kay Herbosa ang sinasabing academic freedom ay karapatan ng mga guro kung ano ang dapat at tama nilang ituro sa loob ng silid-paaralan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.