Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatakbo akong VP – Duterte

0 113

Maaaring ihanay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kandidatong tatakbo sa pagka-vice president sa 2022 elections.

Sinabi ng Pangulo sa isang ambush interview kahapon na maaari siyang ikunsidera sa pagka-VP para mapanatili aniya ang balanse sa magkakalabang puwersa.

“Maybe at this time you can say that…to maintain the equilibrium sa lahat, consider me a candidate for the vice-presidency at this time,” sabi ng Pangulo.

Pero binanggit ng Pangulo na may pangako siya kay Leyte Rep. Martin Romualdez noong panahong nakikipag-agawan ang mambabatas sa liderato ng Kamara na susuportahan niya ito kapag tumakbong VP sa 2022 elections.

Tutuparin umano niya ang pangako kapag tumuloy si Romualdez

“So if Romualdez would hang on to that commitment, sabi ko nga if there is space lang, kung wala eh `di…,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.