Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatapusin laban ng ‘Pinas: Carlo, Yuka, Bianca susungkit ng gold

0 210

Tatapusin nina boxer Carlo Paalam, at golfers Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan ang kampanya ng Team Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020+1 sa Tokyo at iba pang lugar sa Japan ngayong Sabado.

Puntirya ng tatlo na makasungkit ng gold medal, lalo na si Paalam na kailangan na lang makalusot kay Galal Yafai ng Great Britain sa men’s flyweight (48-52kg) finals bout sa ala-1:00 nang hapon sa Kokugikan Arena sa nasabing kabiserang lungsod.

Nakasigurado ang 23-anyos, 5-4 ang taas, at tubong Bukidnon, pero residente na ng Cagayan de Oro ng silver at ang tagumpay sa Brit ang magtataas sa dalawang gold ng bansa sa quadrennial sports conclave, kasama ang sa women’s weightlifting 55kg class ni Hidilyn Diaz.

Nakaatang sa kanya na makuha ang una ting gold ng mga Pinoy boxer sapul nang unang sumabak sa Summer Games boxing noong 1932 Los Angeles.

Kung malapit-lapit si Paalam sa misyon, may kalayuan sina Saso at Pagdanganan na aktuwal na kailangan ang tripleng kayod bukod pa sa dapat kasihan ng suwerte upang makaabot ang sinuman sa kanila sa gold o kahit na anong kulay na medalya.

Pa-fourth and final round sa umaga, tumirada ng four-under par 67 – ang pinakamaganda niya sa tatlong araw – para sa 209 at umakyat sa quintuple-tie sa 20th place si Saso sa Kasumigaseki Country Club-East Course sa Saitama Prefecture.

Pero iwan pa rin ng 11 strokes kay two-day leader American Nelly Korda.

Nakapagsumite naman uli si Pagdanganan ng even par 71 para makibuhol sa limang nasa ika-29 na puwesto sa 211. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.