Abante Tonite Interactive

Tatay at lola arestado sa incest rape

By
1,776

Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ama at lola ng isang 12-anyos na dalagita na paulit-ulit na ginahasa sa kanilang tahanan habang nasa ibang bansa ang ina nito na isang overseas Filipino worker (OFW).

Iniharap sa media kahapon ni NBI Assitant Regional Director Atty. Vicente de Guzman ang mga suspek na di-ibinunyag ang pangalan para na rin sa proteksyon ng dalagitang biktima.

Inaresto ang mga suspek dahil sa reklamong isinampa ng tumayong guardian ng biktima na pinagbilinan ng ina na OFW na kasalukuyang nasa Oman, Jordan.

Nabatid na noong Mayo 20, 2018 nang matuklasan ng inang OFW, habang nagbabakasyon sa Pilipinas, ang pagi­ging sex slave ng anak sa sariling ama simula pa umano noong Enero 1, 2017 hanggang nitong nakalipas na Marso 14, 2018.

Nauna nang nagsumbong ang biktima sa kanyang lola at tiyahin (ina at kapatid ng ama) kaya ipinasuri siya sa ospital para sa genital check-up kung saan lumabas na positibong hindi na virgin at may laceration sa puwerta ng dalagita.

Sa halip na kastiguhin ang anak, sinuhulan pa umano ng lola ang doktor na baguhin ang resulta ng pagsusuri upang pagtakpan ang suspek, pero hindi pumayag ang doktor.

Nalaman na noong Mayo 30, 2018, nagpasya ang ina ng biktima na ireklamo sa NBI ang nangyari sa anak para mabigyan ng hustisya sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa tumayong guardian para sa pormal na reklamo.

Nakakuha naman ng record ang NBI na ang suspek at kanyang ina mismo ay may mga standing warrant of arrest sa mga kasong reckless imprudence at estafa.

Inihahanda na ng NBI ang kasong paglabag sa Article 335 (Statutory Rape) ng Revised Penal Code (as amended by Republic Act 7659 imposing Death Penalty) dahil sa menor de edad ang biktima, habang ang kasong RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) ay ihahain laban sa lola na nakapiit sa NBI detention facility at sa tiyahin na nakalalaya at pinaghahanap pa. ­(