Abante Tonite Interactive

Tatay binoga sa harap ng 2 anak sa Pangasinan

By
157

Patay ang isang padre de pamilya matapos siyang pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang dalawang menor de edad na anak sa bayan ng Rosales, Pangasinan noong ­Miyerkoles.

Kinilala ng Rosales Police Station (RPS) ang biktima na si Michael Yapit, 39-anyos, tubong Barangay Barraca, ­Villasis ng nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon sa RPS, nakasakay umano si Yapit sa isang motorsiklo angkas ang kanyang dalawang anak at nakahinto ito sa Provincial Road ng Barangay Cabalaoangan nang tumabi sa kanya ang mga suspek na nakasuot ng jacket at bullcap.

Dito, pinagbabaril ang biktima ng mga suspek habang nakatingin ang mga anak nito.

Mabils namang ­tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Nakarekober ang RPS ang isang basyo ng bala ng .40 pistol mula sa crime scene.

Nakita naman sa biktima ang isang sling bag na may laman na stainless .45 pistol, isang magazine na puno ng bala, P3,951 cash at isang mobile phone.

Patuloy ang ginagawang follow-up investigation ang RPS hinggil sa insidente.