Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatay binoga sa ulo ng senglot na anak

0 119

Isang araw kasunod ng Father’s Day, binaril ng 29-taong gulang na magsasaka ang kanyang sariling ama sa Santiago City, Isabela.

Sa report, binaril ang isang 59-taong gulang na tatay ng kanyang anak.

Sinabi ng Santiago City Police Station 2, nakipag-inuman ang suspek sa kanyang kapatid at saka umuwi sa kanilang bahay.

Ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay nakarinig na ang mga kaanak ng putok ng baril na sinundan ng paghingi ng ‘Tulong, tulong’ ng asawa ng biktima.

SM food to go Banner Ad

Tama sa ulo ang natamo ng biktima na agad niyang ikinamatay, ayon sa pulis.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulis sa kung ano uri ng baril na ginamit sa krimen. Nagsasagawa na rin ng manhunt operation sa suspek na agad tumakas matapos ang insidente.

Inaalam pa rin ang motibo sa pagpatay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.