Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatay ginawang sex slave sariling anak, kalaboso

0 205

Himas rehas ang isang ama dahil sa paulit-ulit diumanong panggagahasa nito sa kanyang sariling anak, ayon sa ulat ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) kahapon.

Sa bisa ng warrant of arrest na nilabas ng La Carlota City Regional Trial Court (RTC) sa kasong five counts of rape, dinakip ang suspek, na sadyang hindi na pinangalanan upang mapangalagaan ang biktima, dakong ala-1:10 Lunes ng hapon sa kahabaan ng Balaban Road, Carles sa Iloilo City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ginahasa umano ng lalaki ang kanyang sariling anak mula 2014 hanggang 2018. Nagtago ang suspek sa Iloilo City matapos na sampahan ng kasong rape bago ito naaresto kamakalawa.

Lumalabas din sa ulat ng pulisya na ang suspek ay kabilang sa mga most wanted person Regional level dahil sa pagkakasangkot nito sa mga kasong pagnanakaw, illegal drug trade, motornapping activities at iba pa sa La Carlota City at iba pang bayan sa Negros Occidental.

Sa ngayon ay nakapiit ang suspek sa La Carlota Police habang hinihintay ang utos ng korte para ibyahe ito sa lugar kung saan niya ginawa ang pangre-rape sa kanyang anak. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.