Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatay kinatay ng anak sa away-lupa

0 350

Patay ang isang ama matapos itong pagsasaksakin ng sariling anak nang magtalo sa hatian ng sinasakang lupa, Lunes ng gabi sa bayan ng Diplahan, Zamboanga Sibugay.

Dead on the spot matapos magtamo ng mga saksak sa katawan si Ismael Ayoban, 64, magsasaka.

Tumakas naman matapos ang ginawang krimen ang suspek na si Bernard Ayoban, 45, anak ng biktima, kapwa residente ng Purok Santan, Brgy. Guinoman, Diplahan, Zamboanga Sibugay.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente alas-6:30 ng gabi ng umuwing lasing ang suspek at ungkatin ang kanilang away sa sinasakang lupa.

SM food to go Banner Ad

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang usapan ng mag-ama hanggang sa ilang ulit undayan ng saksak ang ama sabay takas.

Lumalabas sa imbestigasyon na ilang ulit na ring nagtatalo ang mag-ama hinggil sa awayan sa sinasakang lupa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.